Tungkol sa Akin

Martes, Mayo 22, 2012

RIZAL - Wawa Dam: Huling Hirit Dahil Sobrang Init


WAWA DAM 


Ang lumang Dam na ito ay matatagpuan sa Rodriguez, Rizal. Una kong nakita to sa TV Program na Landmarks sa Net-25 at naisip ko agad magyaya ng mga makakasama. Sa dinami-ami ng niyaya ko, buti may 2 akong nauto: Sila Anna at Rommel na closest friends & classmates ko nung college..

Paano ba pumunta dito?

House to Jollibee - Farmer's (lrt2)   = 14
Farmer's to San Rafael (fx/van)      = 50 
San Rafael to Sitio Wawa (jeep)     = 8
Cottage (P150/rent)                      = 50
Sitio Wawa to San Rafael (jeep)     = 8
San Rafael to Farmer's (fx/van)      = 50
Farmer's to House (lrt2)                 = 14      

Total Expenses                             =P194 - P252 (balikan na yun)

       
Options:
Kanin                  = 8        
Ulam(Fishda)       = 30 (Kung ayaw niyo bumili, manghuli kayo dun o kaya mamulot ng mga 
                                   lumutang na patay na isda!)
Mangoes/1 kg      = 20 
Tulay                  = 3   (Pag di kayo nag-cottage) 


Call Time:
6 am!  Pero lahat kami nagising lagpas ng 6 am kaya ayun, 9am na kami nakaalis sa Jollibee - Farmer's..
Ave. 2 hrs lng ang biyahe, sabihin niyo lang sa driver na ibaba kayo sa sakayan papuntang Sitio Wawa.


SUSONG DALAGA
Pag dating niyo sa Sitio Wawa, eto agad ang makikita niyo, tinatawag nila 'tong Susong Dalaga! Hehe :)
Pwede kayong magtanong-tanong sa Bgry Hall ng Sitio Wawa o kaya sa Dept of Tourism na katabi lang pero kami, sa mga taga-dun lang kasi baka daw singilin kami ng entrance fee na P50 yata. So di kami nagpahalata na 1st time namin dun kahit na halatang-halata naman dahil sa picture taking na ginagawa namin. Haha. May mga magba-barkada, ilang foreigners at pami-pamilya ang nakita namin na papunta rin sa Dam kaya pa-simple na lang namin silang sinundan. Hehe.


P20/kg ng mangga, P10 naman ang 1 balot ng bagoong. Ayan ang endorser!
 Sige, sabing wag magpahalata na 1st-timer sa Wawa eh, gawin pa kong photographer!
Ako naman, teka na-off balance ako.. Haha..

May cave-like effect yung daanan, meron din harang na bakal para hindi madisgrasya ang mga turista..

Partida, takot pa yan si Anna tumawid sa tulay.. Lol..
White Rocks sa Wawa, sobrang la-laki nyan, gawing rock balance, ewan ko kung magawa mu.. Hehe..
Pareng Rommel, baka mahulog tayo..
 Di ko alam kung anong cave yan pero sikat din yan, may hanging bridge dun sa unahan na jan yata papunta..
Mapag-panggap ka Rommel, kunwari nakangiti pero hirap na hirap maglakad sa mga bato, ambagal mo naman.. Haha..
 
Wawa Dam abot tanaw!
Ayun yung cottage namin, pinaka-gitna! 150/rent, since 3 kami, 50 each..
Ayun si Anna, tako tumawid. Lalo ko tuloy inaalog yung tuay. Haha. Pag hindi kayo magre-rent ng cottage at sa batuhan nyo lang ilalagay mga dala2 nyo, P3 ang singil nila sa pagtawid sa tulay!
 Cottage na nirentahan namin. Sige kayo ulit ang bida, ako na ang freelance photographer niyo!
Ang sarap ng tubig sa katawan, sobrang lakas nga lang. Parang minamasahe ka. Ang hirap lang maglakad kasi konting off balance mu madudulas ka at mapapahiya. Haha.
 Sa likod ng Susong Dalaga..
Nasilip ko lang to sa isang butas bandang taas..
Kasing lalim ng Dam ang iniisip ko, sana hindi ako malunod..
  Eto yung nasa taas ng Dam. May mga cottage din, yung isang floating cottage na natanong namin P250/rent whole day na daw.
  CR - 5.00 kada gamit, pero madumi at walang tubig..

Hindi kami nagbanlaw, nagpatuyo lang kami dahil walang malinis na tubig. Sana isa yun sa idagdag na service sa Dam.
Uwian na.. Tara ambagal ni Anna, nasa taas pa, bilisan mu pre..


Thanks Wawa Dam for the unforgettable nature trip :)
- SAJ



































































































Walang komento:

Mag-post ng isang Komento